karamihan sa ating mga magulang ay mahigpit sa kanilang mga anak, Bakit? Dahil kapag ito ay kanilang tinuturuan sa pamamagitan ng mga materyal na bagay tulad ng patpat o kaya ay pagpalo gamit ang kamay.Kanilang ginagawa ito sapagkat kanilang opinyon ay upang mapadali ang pagtuto ng kanilang mga anak.
Sa panukalang ito ako po ay hindi sang-ayon, dahil hindi naman kailangan ng patpat o kaya naman kamay o anu pamang materyal na bagay na ikasasakit ng mga butihing bata. para lang ba matuto kailangan bang saktan ..?
diba hindi naman ,
ang magandang pagtuturo sa bata ay ang pag kausap at pagpapaliwanag dito ng maayos na walang anumang gamit na ikasasakit nito.
walang dahilan na saktan natin ang ating mga anak o kapatid sapagkat, kailanman hindi natuto o tumutuwid ang isang bata kung ito'y sa dahas o sa sakit idadaan.
ito po'y aking opinyon sa panukalang iyon. tayo po ay may sari-sariling opinyo.
ikaw na mamababasa maaring ang iyong opinyon ay Sang-ayon ka sa paggamit ng kamay na bakal o dahas sa pagtuturo,
o kaya naman ay hindi ka Sang-ayon sa paggamit ng kamay na bakal.
kung ikaw po ay may nais sabihin maaari ka pong mag-comment,
maraming salamat po .
i hope you like it :)
<superman-ako>
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento